Sabado, Marso 9, 2013

MakeUp






Makeup: Kulturang Popular
  
Isa sa pinakatampok sa lahat ay ang kagandahang pinalilitaw ng makeup na siyang usong-uso lalong lalo na sa mga kababaihan saan mang sulok ng mundo. Ika nga, Ang kagandahan ay ginto ng buhay, kung kaya, sa simpleng paraan ng pagme-makeup, nadadagdagan nito ang natural na ganda ng isang tao. At ang kagandahang ito, ay TAYO MISMO!


Makeup

  -sa madaling salita, isang paraan ng pagpapaganda o pandagdag ganda ng isang tao lalong lalo na ng kababaihan.

Iba’t ibang Uri ng Makeup:
Concealer   
Mascara

Foundation   
Blush

Powder Makeup  
Eyebrow pencil

Lipliner

Lipstick 

Lipgloss

Eyeliner

Eyeshadow






Mga Kagamitan sa pagme-makeup at kung paano ginagamit ito:
A. Brushes:
              1. Face Brushes 
- ginagamit sa paglalagay ng foundation, concealer, powder at blush.
a.  Foundation Brush:
             -ginagamit sa paglalagay ng foundation sa mukha na kadalasang gawa sa synthetic fibers. Karamihan sa foundation brushes ay may maliit, mabilog na brush head tulad ng isang maliit na spatula.
b.  Concealer Brush:

           -Tulad ito ng maliliit na foundation brushes.Ang pagiging maliit ng brush na ito ay nakatutulong upang matakpan ang kalat sa paglalagay ng likidong concealer sa mahihirap na bahagi ng mukha halimbawa na lang sa pagitan ng mata.
c.  Powder Brush:

          -May malaki, malambot na brush head at bristles. Ginagamit ang brush na ito sa pagdadagdag ng powder sa mukha.
             d. Blush Brush:
        -Ginagamit sa paglalagay ng blush o bronzer sa mukha. 
2. Eye Brushes 
a.Eyebrow Brush:

        -may matigas na angled brush heads tulad ng  dulo ng isang marker. Ginagamit ito sa
paglalagay ng powder, cream o waxes sa kilay.

b. Eyeshadow Brush:

       -hindi kasintigas ng eyebrow brush, mayroon itong square heads na ginagamit sa paglalagay ng powder at cream shodow sa eyelids.
c.Blending Brush:

      -ginagamit sa paghahalu-halo ng iba’t ibang colored products at maging sa pagbubura ng mga nagkalat makeup products. mayroon itong iba’t ibang hugis at sukat. Ang dulo nitoý kadalasang matulis.
d.Concealer Brush:

     -ginagamit sa pagtatakip ng dungis (peklat, atbp.) na hindi maganda sa mukha. Ang brush na itoý may manipis, matulis na dulo na tulad ng isang fine-tipped paintbrush.

 
e.Crease Brush:

    -itoý may malambot na brush heads na mayroon ding iba’t ibang hugis, mula sa pinakamaliit at manipis, hanggang sa pinakamalaki at mabilog.
3. Lip Brushes
   - ginagamit sa paglalagay ng lipstick na kungsaan ay nakatutulong ito upang maiwasan ang pagkakalat, at mas napapaganda nito ang hugis ng bibig.
B.Eyelash Curlers:

  - ginagamit sa pagbabaluktot

  ng kilay upang mas

  kaaya-ayang tignan.
  


C. Brow Comb

  -ginagamit sa iba’t ibang paraan ng pagpapaganda ng kilay.
 


D. Makeup Sponge

  -ginagamit sa paglalagay ng foundation sa mukha. Kadalasang nasa hugis bilog ang mga ito. Malambot at may katamtamang laki at taba.

E.Eyeliner

  -ginagamit sa pagpapatinggad ng hugis ng mata. Ginagamit rin ito sa iba’t ibang paraan ng paghuhugis ng mata (pagpapasinkit, atbp.).

F.Makeup kit (Makeup powders, blush)

  -ito ang pinakamahalagang kagamitan sa pagme-makeup. Ginagamit ito sa paglalagay ng iba’t ibang kulay upang mapatingkad at mapaganda ang taong nilalagyan ng makeup.
G. Mascara

  -ginagamit sa pagpapaitim at pagpapabaluktot ng pilik-mata.
H.Lipliner, Lipstick, at Lipgloss

  -ang mga ito ay ginagamit sa pagpapaganda, paglalagay ng kulay, at pagpaptingkad ng labi.

I.Concealer at Foundation

  -parehong ginagamit sa pagpapantay ng kulay ng balat.Ginagamit din ito sa pagtatakip ng mga dungis at peklat.
Simpleng paraan ng pagme-makeup:
Bago ang pagme-makeup: 

        Tukuyin kung anong uri ng balat mayroon ka. (oily, dry, o di kaya’y ang kulay ng iyong balat, maputi, morena o maitim.)

 Hakbang sa paglalagay ng makeup sa mukha:
1.Manghilamos

2. Lagyan ng moiturizer ang buong mukha(para  sa kahit anong uri ng balat)

3. Maglagay ng concealer upang matakpan ang mga dungis sa mukha.

4. Maglagay ng foundation na sasakto sa kulay ng iyong balat.

5. Maglagay ng pandagdag na powder sa buong mukha.

6. I-highlight ang brow bone, cheek bone, cupid’bone sa pamamagitan ng paglalagay ng powder sa ibaba ng kilay, at sa mataas na parte ng pisngi.

7. Maglagay ng kaunting blush sa pisngi.

             8. Gamitin ang may pinakamalambot na powder brush upang ayusin ang powder sa buong mukha. Makatutulong ito upang maiwasan ang sobrang powder sa mukha.
 
Hakbang sa paglalagay ng eye makeup:
1. Gamitin ang eyeliner upang patingkadin ang hugis ng mata.

2. Maglagay ng eyeshadow.

3. Gamitin ang eyebrow pencil o eyeliner sa pagpapatingkad ng kulay sa kilay. Gamitin na man ang eyebrow brush sa paghuhurma ng kilay.

4. Gamitin ang lash eye curler upang baluktutin ang pilik-mata bago maglagay ng mascara.
Hakbang sa paglalagay ng lipstick:
1. Gumamit ng lipbam kung kinakailangan upang maiwasan ang pagtutuyo ng labi. 
2. Linyahan ang labi gamit ang lipliner na sasakto sa kulay ng gagamiting lipstick. 
3. Maglagay ng lipstick o lip gloss gamit ang lip brush.


  



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento