Martes, Marso 12, 2013

Late Hour na naman? (Para sa araw ng Exam)

Late Hour na Naman?



      Na naman? Parati na lang... kabataan nga na man. "Naku! Exam na bukas, wala pa 'kong permit!","Ano ba yan?! Paphotocopy na man ng reviewer mo". "Oy. Pahiram na man ng notebook mo."
     Tsk3x... Kabataan nga na man... Estudyante ka ngang talaga. Tsk2x. Oh di ba? Gulat ka no? Kasi alam ko, ginagawa mo rin 'to. kakatawa nga, kasi isa rin ako sa mga ganito.
     Alam mo bang tuwing exam lagi na lang late ang pag-aaral ko? 1hour, 2hours, o 3hours bago ang exam? Naku, kung alam mo lang, ganyan din yung iba dyan, sa paraang pasimple nga lang. Tuwing lalabas nga ako at magpapaphotocopy ng reviewer or hand-outs mula sa guro ko, naku, ang Micos, The Fives at yung photocopier doon sa pantua, puno rin, singit dito, singit doon, ang sikip nga eh.. Late hour nga naman, kung kailan malapit na ang exam, saka pa kikilos para lang may mabasa at isagot sa exam.
    
    Ito ang isa sa mga kulturang popular na nadiskubre ko. Kultura nga ng mga mag-aaral na kagaya ko. Batay na rin sa karanasan ko, masaya nga eh, oo, sa una, pero sa huli, blags! Kasi nga di ba, parang pakiramdam mo pagod na pagod ka, kasi nga naubos na yung lakas mo katutulak sa iba para na man mauna ka sa kanya. "Manong paphotocopy nga nito." Oh di ba?

  Alam nyo, isa lang na man ang maipapayo ko. Naku, tigilan nyo na yan ha. Kaya nga siguro marami ang nasa average level ang grado kasi nga late hour na ngang nakakuha ng mapag-aaralan, late hour pa mag-aaral. Estudyante ka nga na man. Pero alam mo kung ano ang totoo? Ang estudyante ay laging ON TIME, at hindi sa LATE HOUR NA NAMAN!



  



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento