Kabuhol ng Kultura
Martes, Marso 12, 2013
Google search
"Isearch mo nga sa google 'to. Dali!"
Oh kitams? Google kaagad. Kahit nga ako, google kaagad ang punta, eh pano ba na man kasi, wala na akong alam pa na iba. Hmmmmm.... Google... Google...
Kilala ang google bilang isa sa pinakatampukan ng mga dapat isearch. Assignments, projects, pictures, at kung ano-ano pa na makikita dito. Alam mo ba kung bakit alam ko na Google ang gamit nila? Kasi nga sa tuwing nasa Internet section ako sa library, pagnapapadaan ako sa mga estudyanteng nakaharap sa kani-kanilang mga computer, ayon! Kita ko si google.com, nakabuklat na naman.
Sabi nila, mabilis lang kung sa google ka, pero pag wala talaga ang gusto mong hanapin, tiyak wala talaga. 'tong si google, ang daming nangangailangan sa kanya, kasi nga di ba, ikaw ang sagot ko sa mga problema ko. Kita mo 'tong si kuya oh, pati reflection paper, kinopy paste. 'tong si ate na man, picture ni korean actor Lee Min Ho kinopya rin at ayon, paste sa word document.
Oh? Saan ka nga ba mag-sesearch kung pagbukas mo pa lang ng internet, si google kaagad ang haharap sayo..
Search the "Google.com".
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)