Martes, Marso 12, 2013

Tampok na Hairstyles



      Ang pagkakaroon ng magandang buhok sa kababaihan ay isa sa pinakapaktor na nakadadagdag ng ganda sa kanila. Ang buhok na gupit sa iba't ibang paraan at pawang nilalagyan ng kaunting kulay upang lalo pang mapaganda sa paningin ng iba ay sinusubukan na rin ng iilan sa mga sarili nila.

   May iba't ibang paraan ang paggugupit sa may mahahabang buhok, at may iba't íbang paraan na man sa may maiikli. Karamihan sa mga kababaihan sa kasalukuyang panahon ay may mahabang buhok at kadalasang straight lamang ito, isa sa pinakakomon sa lahat sapagkat may ilan sa mga nagsasabing nakadadagdag ng pagiging seksi ang may ganitong uri ng buhok.

   Sinasabing nakapapayat umano ang pagkakaroon ng mahaba sa mga matataba, at nakakapag-paseksi na man daw sa mga payat. Subalit kung tutuusin, kahit anong uri ng buhok mayroon ang isang tao na babagay na man sa kanya, hindi na ito sinusunod, sa halip nagiging kontento na lamang sa gandang taglay nila sa tulong ng kanilang mga buhok.

   Nasa kultura na ng mga kababaihan ang pagpapa-ayos at pagpapaganda ng kanilang mga buhok, ang pagpapa-relax, pagpapa-cellophane, at pagpapa-rebound ay kanila nang nakagisnan, subalit itoý komon sa mapera lamang, ngunit para na man sa nagtitipid at ayaw nang gumastos ng malaki para rito, sila na mismo ang nag-aalaga sa mga ito. Gumagamit sila ng mga natural na sangkap upang mapaganda ang buhok, naglalagay ng gata bilang pang-hot oil, at alovera bilang pagpaparelax. Sa simpleng paraan na ito, nakatutulong na man umano ito para maalagaan at mapaganda ang buhok mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento